Hindi ako sure pero mukhang kagabi na ang last episode ng weekend teleserye na Elias Paniki na pinagbibidahan ni Jake Cuenca. Surprisingly at dahil na rin siguro sa matagal na kong hindi nanonood ng tv ay nakita ko si Sam Pinto na kasama pala sa cast ng nasabing weekend teleserye ng mga istoryang hiram sa mga pelikula ni Bong Revilla senior.
Sayang at hindi ako pinayagang manuod ng misis ko dahil na din sa hindi nya kursunada ang nasabing tv series. Well, kung ending na ng Elias Paniki kagabi, iyon na rin pala ang huling pagkakataon na makikita ko sa nasabing serye si idol, Sam Pinto a.k.a. Samuelle Lynne Pinto. Adios to you, Sam!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.